Saturday, February 17, 2007

Creative Minds


Ang Buhay Girl Scout
Jennifer Areola, Ilocos Sur Council

Bawat kabataan ay may mga kagustuhan at karapatan,
Karapatan na kanilang pinaninindigan,
Gaya ng mga Girl Scout sila'y may sariling batas at pangako,
At ito'y kanilang itinatanim at itinatatak sa kanilang isip at puso.

Maraming pagsubok sa kanilang mga kakayahan,
Ngunit ito'y kanilang sisikap harapin at hindi tinatalikuran,
Maliit man o marami, mahirap man o madali,
Ito'y kanilang hinaharap upang matuto at ipamahagi.

Sila'y lumalayo sa kanilang mga magulang,
Upang matuto lamang mabuhay mag-isa at tumayo sa sariling paa
na walang kinatatakutan,
Sila'y dumadayo sa iba't ibang lugar,
Upang doon ay hanapin ang iba pang dapat nilang malaman at maging kaibigan.

Sila'y sumasabak sa pag-akyat sa mga matatayog na bundok,
Pagsakay sa mga maliit na bangka,
Pagsakay sa eroplanong dumadaan sa himpapawid,
At paglusong sa tubig na walang hanggan at kay lalim sisirin,
makarating lamang sa kanilang paroroonan.

Ganyan ang buhay Girl Scout,
Maraming kinakaharap na pagsubok,
Ngunit ito'y kanilang nilulunok,
Dahil ang mga Girl Scouts ay walang kapaguran sa pakikipagsapalaran.


Tunay na Girl Scout
Rosamia D. Tubo, Batangas Council

Sa lahat ng oras,
Dapat palaging alerto
Ang isang Girl Scout
Na likas na matalino
Sa bawat gawain
Ngiti’y masasalamin
Sa kanyang mukhang
Kasing liwanag ng langit

Laging handa
Sa bawat pagsubok
Sa mga tao
Dala nila ay respeto
‘Yan ang tunay na Girl Scout
sa isip, sa salita, at sa gawa

Di mo makikita
Minsan ma’y magsinungaling
Mga mata niyang sa langit nakatingin
Maging ang langit at impyerno’y susuungin
Makatulong lamang kamataya’y susubukin
Iyan ang Girl Scout na hawig kay Escoda.



Girl Scouts
Marian Nela Villanueva, Batangas Council

Ang Girl Scouts laging sama-sama
Close kaming lahat sa isa’t isa
Walang hiyaan kanino man
Basta’t kami’y maayos na nagsasamahan

Kaming mga Girl Scouts
Handang tumulong kanino man
Basta’t sama-sama sa lahat ng laban
Lahat ng bagay masusulusyunan

Madiskarte kami sa lahat ng bagay
Hindi umuurong, sa halip sumusulong
Ang hamon ng buhay
Kaya naming lampasan, kaya naming higitan.



Dahil GSP Tayo!
Lovely Grace M. Berti, Batangas Council

GSP na kay galang
Handang tumulong kanino man
Walang pinipili
Walang pinapaburan
Basta’t pagdating sa tulungan
Asahan n’yong laging nandyan

GSP na kay tapat
Maaasahan mo’t mapagkakatiwalaan
Hindi ka mabibigo
Ibigay man ang tiwala
Dahil ang GSP ay tapat tuwina

Kami’y GSP na handang maglingkod
Sa inyo
Pagkat kami’y mga babaeng
Magalang, matapat at disiplinado...
Dahil GSP tayo!!!

No comments: